Sarah natsismis na buntis

Inanunsyo ng Viva Records kahapon na magkakaroon daw ng bagong album si Sarah Geronimo. So, ito pala ang inaabangang pasabog ng Popsters (fans ni Popstar) na nababasa namin sa kanilang tweets.

Ayon sa ABS-CBN news, nai-forward na raw kay Sarah ang 10 kumposisyon mula sa magagaling na composers para sa approval ni Popstar.

This is good news sa mga fan ni Sarah dahil 2018 pa huling nag-release ng album ang kanilang idolo.

As per Viva Entertainment insider, babalik pa raw si Sarah sa ASAP Natin ‘To at nagpapahinga lang daw sa ngayon.

Ilang buwan na ring wala si Sarah sa ASAP at hindi rin tumatanggap ng ibang showbiz commitments. Kaya marami na tuloy ang nagdududa na baka buntis na si Popstar sa first baby nila ni Matteo Guidicelli.

Ang dami ring nagtatanong kung lilipat na ba ito ng network dahil ito nga ang huling issue sa kanya for the past few months.

May nagtatanong din kung may sakit ba siya dahil nga hindi nila nakikita ang aktres/singer.

Sa totoo lang, ang dami nang tanong at espekulasyon sa pagkawala ni Sarah pero sa lahat ng ito, mas gusto ng fans na isipin na buntis umano ang aktres/singer.

Magsuot ng red panty sa Chinese New Year-Kim

Dahil half-Chinese si Kim Chiu, naniniwala rin siya sa mga feng-shui at mga Chinese lucky charms, Chinese horoscope at siyempre, isine-celebrate rin niya ang Chinese New Year.

Kaya naman sa latest YouTube vlog ni Kim ay ibinahagi niya ang kanyang mga ritwal o preparasyon bago sumapit ang Chinese New Year this year on Feb. 12.

Ang una niyang ginawa ay pumunta sa isang feng-shui expert sa Binondo para magtanong ng mga pampaswerte tips sa Year of the Metal Ox ngayong 2021. Aniya ay lagi raw siyang pumupunta rito para bumili ng mga lucky charms and stuff na kailangan sa Chinese New Year celebration.

Natuwa naman siya nang sabihin ng feng-shui expert na masuwerte raw sa mga taong ipinanganak sa Year of the Horse na tulad niya ang 2021. Pero ‘yun nga lang, hindi raw masuwerte ang taong ito para sa Year of the Snake na siyang Chinese zodiac sign ng boyfriend na si Xian Lim.

“Oh my gosh, Xi, this will be a challenging year for you! Kaya mo ‘yan!”

Maraming ibinigay na guide, advice at tips ang feng-shui expert tungkol sa love, business, career, gayundin ang mga bawal at hindi bawal gawin ngayong taon.

Sumunod na ginawa ni Kim ay nilagyan ng pampaswerte ang kanyang bahay at inilabas ang kanyang mga kabayong figurines since maswerte nga raw ang Year of the Horse. Nagsindi rin siya ng incense na aniya ay pang-recharge at pang-alis ng bad vibes.

Ibinahagi rin niya ang mga pagkaing “must-have” sa Chinese New Year tulad ng tikoy, pansit for long life, steamed fish na dapat daw ay nasa gitna ng table for abundance, circle-shaped fruits for money, shrimp for abundance pa rin daw, green vegetables.

Masuwerte rin daw na magsuot ng red underwear sa Chinese New Year para sa mga gustong magka-love life. Effective raw ito dahil ginawa na niya. Pinayo rin daw niya ito sa mga friends niya at nagkaroon daw ng dyowa ang mga ito.

Payo rin niya na huwag linisin ang bahay pagsapit ng Bagong Taon for the next three days dahil aalis daw ang swerte.

“Sabi lang ng lola ko, so ‘yun ang ginagawa namin for so many years. So, huwag maglilinis ng bahay kahit sobrang dumi na siya, okay lang ‘yun,” aniya.

Malakas talaga ang Chinese roots kay Kim at aniya ay proud siya rito.

The post Sarah natsismis na buntis first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments