Sayang Blackwater – Belo

Natapos agad ang reunion nina Mac Belo at Nash Racela sa Blackwater.

Tumagal lang ng isang season, shortened pa.

Si Racela ang coach dati ni Belo sa FEU nang ihatid nila ang Tamaraw sa kampeonato ng UAAP noong 2015.

Top pick ng Bossing si Belo mula sa Gilas pool noong 2016, bago ang 45th season ay kinuha si Racela para magtimon sa team.

Naka-isang conference lang sila dahil pinigil ng pandemic ang season.

“Kaunting panghihinayang, kasi pagpasok ni coach gusto niyang baguhin ‘yung culture sa Blackwater, at gusto ko maging part pa nu’n and makasama pa si coach,” pahayag ni Belo sa Power & Play program ni dating commissioner Noli Eala nitong Sabado.

Kaagahan ng buwan, binigay ng Bossing si Belo sa Meralco para makuha sina Baser Amer at Bryan Faundo.

Iniwan ni Belo sa Blackwater ang kapwa-Tamaraws niyang sina Mike Tolomia, Carl Bryan Cruz, Ron Denison at Richard Escoto. (Vladi Eduarte)

The post Sayang Blackwater – Belo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments