CA kinatigan ang SEC vs Planpromatrix

Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang kautusan ng Securities and Exchange Commission (SEC) na nagpapahinto sa Planpromatrix Online Co. sa pagso-solicit ng investments sa publiko dahil wala itong lisensiya para gawin iyon.

Sa 17-pahinang desisyon ng CA Special 10th Division, kinatigan nila ang cease and desist order (CDO) ng SEC laban sa Planpromatrix dahil nililinlang anila ng huli ang publiko at ikinalulugi ito ng mga investor.

Inisyuhan ng SEC en bank ng CDO ang Planpromatrix noong Hulyo 16, 2019 dahil nagso-solicit ito ng investment sa publiko, na nakukubli bilang electronic loading business, nang walang kaukulang lisensiya.

Bukod sa walang lisensiya magbenta ng investment ang Planpromatrix, wala din itong permit nang inimbestigahan ito ng SEC-Enforcement and Investor Protection Department, kasama ang SEC-Legazpi Extension office. (Eileen Mencias)

The post CA kinatigan ang SEC vs Planpromatrix first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments