Petrolyo may taas-presyo ngayong linggo

Matapos ang ilang linggong rollback, muli na namang aangal ang mga motorista sa pag-angat ng mga presyo ng produktong petrolyo na aasahan ngayong linggo.

Ayon sa pamunuan ng Unioil Petroleum Philippines, magkakaroon ng fuel adjustment sa trading week ng Agosto 31 hanggang Setyembre 6, 2021 na kung saan asahan na tataas ang presyo ng diesel nang P0.60 hanggang P0.70 kada litro.

Nasa P0.20 hanggang P0.30 kada litro naman ang itataas sa presyo ng gasolina.

Matatandaang bumaba ang presyo ng gasoline nang P0.80 hanggang P1.00 kada litro, habang ang diesel ay nasa P0.75 kada litro ang ibinaba noong nakaraang linggo.

Kadalasang inaanunsiyo ang pagbabago ng presyo ng mga nasabing produkto tuwing Lunes, at kada Martes ang implementasyon nito. (Vick Aquino)

The post Petrolyo may taas-presyo ngayong linggo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments