Gordon dinurog sa Red Cross-PhilHealth deal

Iginiit ni Senador Bong Go na mag-inhibit sa imbes­tigasyon ng kapulungan si Senador Dick Gordon hinggil sa isyu ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa ‘conflict of interest’ nito.

Ito’y kaugnay ng koneksiyon ni Gordon sa Phili­ppine Red Cross (PRC) kung saan tumatayo itong chairman at chief executive officer. Si Gordon din ang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na nag-iimbestiga sa mga diumano’y katiwalian sa PhilHealth.

Sa kanyang privilege speech nitong Martes, binanggit ni Go ang multi-million na memorandum of agreement na pinasok ng PRC sa PhilHealth sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020.

“In the spirit of fairness and impartiality, shouldn’t the Blue Ribbon Committee chair inhibit himself on further hearing on matters involving PhilHealth? Make no mistake, I will not present conclusions here without due process and fairness,” sabi ni Go.

“Hindi ba may conflict of interest na isa sa pinapaimbestigahan mo ay katransaksiyon ng organisasyon na pinamumunuan mo? Nagtatanong lang po ako,” dagdag ni Go.

Matatandaan na sinisi­ngil ni Gordon ang PhilHealth sa utang nito para sa mga mga COVID-19 test na isinagawa ng PRC.

“Pinapagalitan mo, pati ako nadadamay tinatawagan mo, bakit hindi nababayaran? Ako kasamahan mo sa gobyerno, papagalitan mo kami ano namang kinalaman ko? Tulay lang po ako kung maaari, nagiging tulay lang po ako sa Executive para mapabilis po ang lahat ng proseso,” pagbubunyag ni Go.

“Dagdag pa nga diyan, hindi ba disadvantageous sa gobyerno at against the law ang paghingi ng advance payment? Anyway, let us save that discussion for another forum. Nagtatanong lang po ako. In the spirit of fairness and impartiality, shouldn’t the Blue Ribbon Committee Chair inhibit himself from further hearing all matters involving PhilHealth?” sambit pa ni Go.

Binanggit pa ni Go na kahit aniya sa mga Senate hearing noon pa man kapag magkatabi sila ni Gordon ay parang resource person ang trato nito sa kanya na puwedeng barahin habang nagsasalita.

“Maging patas po tayo. Kaunting respeto naman po sana mula sa kapwa senador,” sabi ni Go na nangakong magre-resign siya kapag napatunayan umanong sangkot sa kahit na anong korapsiyon. (Dindo Matining)

The post Gordon dinurog sa Red Cross-PhilHealth deal first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments