50 pinakamayamang Pinoy hihiritan ng dagdag-buwis

Inihain ng mga miyembro ng Makabayan bloc ang panukala na patawan ng buwis ang mga indibidwal na mahigit sa P1 bilyon ang yaman.

Sa ilalim ng House Bill No. 10253, papatawan ng wealth tax na 1% ang mga indibiduwal na lagpas sa P1 bilyon ang yaman, 2% kung lagpas sa P2 bilyon at 3% kung lagpas sa P3 bilyon.

“This tax will raise P236.7 billion annually just from the 50 richest Filipinos alone who by any standard are those who can best afford to pay much higher taxes,” sabi sa panukala.

Aamyendahan ng panukala ang National Internal Revenue Code of 1997.

Giit ng Makabayan bloc, ang yaman ng 50 pinakamayamang Pilipino ay tumaas ng 30% at umakyat sa P4 trilyon sa kabila ng pandemya. Ang 29% ng populasyon o 6 milyong pamilya ay patuloy naman umanong nabubuhay sa P10,000 pababa na buwanang kita. (Billy Begas)

The post 50 pinakamayamang Pinoy hihiritan ng dagdag-buwis first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments