PH internet `di na kulelat – Gringo

Kumpiyansa si Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio `Gringo’ Honasan II na lalo pang bubuti ang internet connectivity sa bansa hanggang sa umangat na ito sa global ranking.

“In terms of internet speed, connectivity, wala pa po tayo sa taas. But we are slowly getting there,” sabi ni Honasan sa deliberasyon ng panukalang pondo ng DICT sa 2022.

Sa kasalukuyan, batay sa Ookla Speedtest Global Index nitong Agosto 2021, pang-63 ang Pilipinas sa 180 bansa. Ang fixed broadband speed ay umangat na sa 72.56 mbps mula sa dating 71.17 mbps average download speed na naitala noong Hulyo.

Subalit aminado naman si Honasan na marami pa ring lugar bansa ang nakararanas ng mahinang koneksiyon ng internet. (Dindo Matining)

The post PH internet `di na kulelat – Gringo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments