
Tila hindi na mapaghiwalay sina Bea Alonzo at Dominic Roque.
Kahit kasi hindi pisikal na magkasama ay nakagawa pa rin ng paraan ang dalawa na makapag-date.
Makikita ang virtual landian nila gamit ang FaceTime.
Ibinahagi naman ito ni Bea sa kanyang Instagram story.
“Virtual date night,” sey niya sa caption.
Siyempre, maiispatan din ang mukha ng aktres sa IG story ng aktor.
“Ganda ng ka-date ko. Facetime date,” saad ni Dom sa caption.
Nito lamang nakaraang buwan nang aminin ng aktres ang kanilang relasyon ni Dom. (Va)
0 Comments