De Lima: Imbestigahan ang PITC

Pinasisiyasat ni Senador Leila de Lima ang kuwestiyonableng pagbili ng Philippine International Trading Corporation (PITC) ng mga personal protective equipment (PPE).

Kasama ring pinaiimbestigahan ng senador ang pagkaantala ng mga procurement at paggamit ng pondo mujla sa iba’t ibang source agency.

Sa Senate Resolution No. 906, sinabi ni De Lima na kailangan ding magpaliwanag ang PITC sa pagkabigo nitong ibalik ang bilyong pondo ng mga source agency sa National Treasury.

Base umano sa Commission on Audit (COA) report, nakitaan nito ng iregularidad ang PITC dahil sa kaduda-dudang pagbigay ng award para sa emergency procurement ng PPE sa iisang supplier lang. (Dindo Matining)

The post De Lima: Imbestigahan ang PITC first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments