Muling magsasalita si Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations (UN) General Assembly.
Sa pahayag ng MalacaƱang nitong Linggo, magsasalita ang Pangulo sa unang araw ng pagbubukas ng ika-76th UN General Assembly na gaganapin Miyerkoles ng umaga (oras sa Pilipinas).
Ilan sa mga inaasahang magiging parte ng talumpati ng Pangulo ay ang pagharap ng Pilipinas sa pandemya, climate change, human rights, international security at kalagayan ng mga manggagawa at refugees.
Ang UN General Assembly ay binubuo ng 193 kinatawan ng mga bansang kasapi nito.
“Building resilience through hope – to recover from COVID-19, rebuild sustainably, respond to the needs of the planet, respect the rights of people, and revitalize the United Nations” ang tema ng 76th UN General Assembly ngayong taon.
Si Abdulla Shahid ng Maldives ang kasalukuyang pangulo ng General Assembly at siyang mangunguna sa high-level debate.
Noong Setyembre 22, 2020 ay nagsalita rin ang Pangulo sa 75th session ng UN General Assembly. (Prince Golez/Mark Joven Delantar)
The post Duterte haharap uli sa UN General Assembly first appeared on Abante Tonite.
0 Comments