Bilyonaryo News Channel natumbok sports car sa mga `resibo’ ni Zaldy Co

Natukoy na ng Bilyonaryo News Channel (BNC) ang sasakyang nahagip sa mga larawan ng umano’y male-maletang kickback na idineliber kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating House Speaker Martin Romualdez, na inilabas ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co.

Sa eksklusibong ulat ni Joash Malimban sa “Agenda Weekend” ng BNC, naberipika ang conduction sticker na UOL960 mula sa kuhang larawan. Natukoy na walang naka-file na ongoing o finished application para sa plate number na kaakibat ng sticker sa Land Transportation Office (LTO).

Base sa dokumento, ang naturang sasakyan ay isang 2023 Maserati MC20 na kulay mystery gray, na binili sa halagang P20 milyon mula sa importer na Brilliance Auto Corporation.

Binili at ipinangalan umano ang sasakyan sa kompanyang Socali Trading, na may negosyo sa automotive trading, auto accessories, at general trading, at ang nakatalang may-ari ay isang Federico Jr. Guillem Dato-On, ayon sa rekord ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon sa mga papeles, dumating ang sports car sa bansa noong Hunyo 5, 2023, na-isyuhan ng Bureau of Customs clearance noong Hunyo 9, at ng clearance mula sa Philippine National Police noong Hulyo 12. Iniulat ng Brilliance sa LTO bilang stock ang unit noong Hulyo 11, at opisyal na binili at inilipat sa Socali Trading bilang brand new imported unit noong Disyembre 18, 2024.

Hindi nagtugma ang timeline na ito sa Nobyembre 29, 2024 na petsa ng umano’y delivery ng mga maleta na ipinakita ni Co sa kanyang mga larawan, kung saan makikita ang naturang sasakyan sa background.

Sinubukang kunin ng BNC ang panig ng Socali Trading sa nakarehistrong address nito sa Quezon City, ngunit ang nakita roon ay ang gusali ng networking company na Frontrow, na matagal na umanong nakatayo sa lugar.

Hindi rin tumugon ang co-founder ng Frontrow na si Sam Verzosa, na siya ring presidente ng Modena Motorsports, ang tanging awtorisadong distributor ng Maserati sa Pilipinas. Patuloy ring kinukuha ang pahayag ng DTI. (Angelika Cabral)

The post Bilyonaryo News Channel natumbok sports car sa mga `resibo’ ni Zaldy Co first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments