Kawayan malaking tulong sa PH climate change

itinataguyod ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagtatanim ng mga kawayan on bamboo-planting bilang estratehiya upang mapagaan ang ‘climate change’ sa bansa.

Ang kawayan ay hindi lamang tumutubo sa bansa at kabilang sa prayoridad ng gobyerno sa mga kagubatan dahil ito ay magaling sa pagsipsip ng carbon dioxide (CO2) na kabilang sa greenhouse gases (GHGs) na nagtataboy sa climate change, ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu.

“It’s not just economics that makes bamboo attractive for reforestation — bamboo is also ideal for climate change mitigation.,” ayon kay Cimatu sa ginanap na virtual summit on re-imagining, developing and sustaining mining communities with bamboo noong Sept. 10.

Lumilitaw sa pag-aaral na ang bamboo ay nakakapagbukod ng mahigit sa 5.0 tons ng CO2 per hectare kada taon. “That’s quite a big reduction in our CO2 emissions,” paliwanag pa ng kalihim ng DENR.

Ang mga gawain o aktibidad ng mga tao gaya ng fossil fuel-based power generation ang ilan sa mga napagkukunan ng mga nasabing emissions.

Batay sa paliwanag ng mga eksperto, ang mga emisyon ng CO2 at iba pang GHGs ay nag-iipon sa kapaligiran o himpapawid kaya tumataas ang global temperature sanhi ng pagbabago ng klima.

Ayon sa Ecosystems Research and Development Bureau (ERDB) ng DENR, ang Bamboo Plantation Development Project ay pinalawig ng National Greening Program (NGP) sa layuning gamitin ito sa rehabilitasyon mula 2017 hanggang 2022 kung saan ang isang milyong ektarya napabayaang pataas na mga lupain sa bansa ay nasa critical watersheds.

Ito ang target ng rehabilitasyon upang matugunan at maibsan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng food security, katatagan ng kapaligiran, biodiversity conservation at climate change mitigation.

“The areas to be developed and rehabilitated include critical watersheds, marginal areas, creek lines, riverbanks and areas prone to erosion in order to improve and enhance the natural defenses and resilience of those areas and its adjacent sites against the impacts of climate change,” dagdag ng ERDB.

Ang mga lugar na target sa bamboo-planting ay kinabibilangan ng mga pampang sa Cagayan, Bicol at Marikina rivers, na makatutulong upang maiwasan ang pagguho ng mga river banks. (Dolly B. Cabreza)

The post Kawayan malaking tulong sa PH climate change first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments