2 spa sa Antipolo may `extra service’, 11 bebot ni-rescue

Nasa 11 babae na nagtatrabaho sa dalawang spa na nag-aalok diumano ng `extra service’ o prostitusyon ang na-rescue ng mga awtoridad sa Antipolo City.

Ayon sa report sa lokal na pamahalaan ng Antipolo City, magkasabay na pinasok ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Women and Children Protection Center at ng mga city social worker ang Nitzi Touch Massage Spa at Miyuto Spa sa Barangay Mayamot.

Ginawa ng mga awtoridad ang operasyon nang makunpirma umano nila na nag-aalok din ng `extra service’ ang mga nabanggit na spa sa mga lalaking kostumer sa halagang P2,000.

Sinasabing taga-Quezon City ang anim sa mga nasagip. Tubong Antipolo naman ang limang iba pa.

Dinala na ang mga babae sa PNP headquarters sa Camp Crame at patuloy pa ang imbestigasyon.

Isasailalim din ang mga babae sa panayam ng mga social worker para malaman kung iendorso sila sa shelter o ibabalik sa kanilang mga pamilya.

Wala ang may-ari ng dalawang spa nang salakayin ng mga awtoridad. (Kiko Cueto/Dolly Cabreza)

The post 2 spa sa Antipolo may `extra service’, 11 bebot ni-rescue first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments