Kinakailangan pa ng Department of Health (DOH) ng masusing pag-aaral sa Mu variant na sa inisyal na pag-aaral ay lumalabas na mas nakahahawa at maaaring maging sanhi ng mas malalang COVID-19 infection sa bansa.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan pa ng mas masusing pag-aaral kung gaano kalakas ang impact ng Mu na mino-monitor na ngayon ng World Health Organization (WHO).
“Ang sinasabi nila, marami siyang types of mutations. Ang sabi, ganoon din ang transmissibility – mataas din. Also, sinasabi it can also affect immunity of a person… Sinasabi rin na ang nagkakaroon ng ganitong sakit might lead to more severe forms of infection, but lahat ng ito, initial pa lang ang pag-aaral at mga information na binigay ng WHO.”
Nabatid na sa Pilipinas ay wala pa umanong na-detect na kaso ng Mu variant pero may presensiya na umano ito sa 40 bansa sa daigdig.
Sinasabing unang na-detect ang Mu sa Colombia noong Enero at klinasipika ng WHO bilang ‘variant of interest’ ngayong linggo. (Juliet de Loza-Cudia)
The post Lakas ng Mu variant aaralin pa first appeared on Abante Tonite.
0 Comments