Pumanaw ang isang mangingisda nang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin habang naghahanda na para lumaot sa dagat sa General Luna, Quezon, Biyernes ng madaling-araw.
Ayon kay P/MSg. Jun Almonte, imbestigador ng General Luna police, mga tama sa ulo at katawan ang agad ikinamatay ng biktimang si Eduardo Platino, 49-anyos, residente ng Barangay Poblacion.
Bandang alas-4:45 kahapon ng madaling-araw, papalaot na sana ang biktima nang pagbabarilin siya ng nag-aabang na suspek gamit ang isang kalibre .45 baril.
Agad ding tumakas ang salarin, na nakasuot ng bonnet at jacket, matapos ang pamamaril.
Matagal nang alitan sa lupa ang tinitingnang motibo ng mga awtoridad sa pangyayari.
Naniniwala rin ang mga awtoridad na hired killer ang bumira sa mangingisda. (Ronilo Dagos)
The post Mangingisda tinadtad ng bala first appeared on Abante Tonite.
0 Comments