Mitsubishi Montero inararo Mister Donut

Inararo ng isang Mitsubishi Montero ang isang sangay ng Mister Donut sa shopping center sa San Juan City.

Alas-5:30 ng hapon kahapon nang mangyari ang sakuna kung saan sinasabing nawalan ng kontrol sa manibela ang di pa natutukoy na driver at tuluy-tuloy na rumampa ang sasakyan sa parkingan ng Greenhills Shopping Center at sinagasa ang outlet ng donut dahilan para magkabasag-basag din ang mga salamin dito.

Ayon sa mga nakasaksi sa insidente, bago lumusot ang sports utility vehicle (SUV) sa branch ng Mister Donut ay namataan na ng mga ito ang nagwalang sasakyan kaya maagap na nakaiwas at walang naitalang nasugatan.

Masusi pang iniimbestigahan ang insidente at inaalam ng mga awtoridad kung magkano ang halaga ng napinsala.

The post Mitsubishi Montero inararo Mister Donut first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments