P6M droga nasabat sa Taguig buy-bust

Anim na milyong pisong halaga ng marijuana ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa buy-bust operation na ikinadakip ng isang lalaki sa Barangay New Lower Bicutan, Taguig City.

Kinilala ni PDEA Regional Office-National Capital Region (RO-NCR) Director III Christian Frivaldo ang nadakmang suspek na si Fredo Diwan alyas Waliw.

Nadampot si Waliw bunsod na rin sa isang confidential informant na nagtimbre sa iligal na gawain nito.

Nahaharap si Diwang sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o ang “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”

The post P6M droga nasabat sa Taguig buy-bust first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments