Volleyball game pinasabugan, 8 sugatan

WALO ang sugatan nang hagisan ng isang explosive device ang covered court kung saan nagagaganap ang volleyball game sa Datu Piang town center sa Maguindanao kahapon ng hapon. 3 p.m.

Sumabog ang hinihinalang granada sa gitna ng laro ganap na alas-3:00, ayon kay Lt. Col. John Paul Baldomar ng 6th Infantry Division ng Philippine Army.

Agad dinala sa ospital ang mga sugatan. Hindi pa malaman sino ang nasa likod nito o ano ang motibo.

Sinisiyasat pa ng mga pulis at mga sundalo ang posibilidad na gumamit ang mga suspek ng phone-triggered improvised explosive device.

“The explosive was lobbed toward the middle of the spectators,” sinabi ni Baldomar.

Ang insidente ay sa likod ng rin ng inilabas na banta ng Japanese government sa posibleng terror attack sa anim na lugar sa Southeast Asia kasama na ang Pilipinas.

Naunang sinabi ng Malakanyang, PNP at AFP na wala naman silang namo-monitor na anumang banta ngunit pinakikilos pa rin nila ang intelligence para masigurong di magtatagumpay ang mga ito. (Kiko Cueto)

The post Volleyball game pinasabugan, 8 sugatan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments