2 galamay ng NPA bulagta sa Isabela

Dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay matapos na makasagupa ng mga sundalo sa San Mariano, Isabela noong Biyernes, ayon sa ulat ng Philippine Army kahapon.

Nangyari umano ang engkuwentro sa Diwagao Complex sa Barangay Tappa.

Ayon sa Philippine Army 5th Infantry (Star) Division, nakatanggap sila ng tip mula sa mga residente kaugnay sa presensya umano ng mga rebelde sa lugar.

Agad na nagtungo ang 95 Infantry “Salaknib” Battalion at ang 1st Isabela Police Mobile Force Company sa lugar subalit sinalubong agad sila ng mga bala ng mga rebelde.

Tumagal ang bakbakan ng limang minuto bago tumakas sa iba-ibang direksyon rebelde.

Naiwan ng mga rebelde ang bangkay ng dalawa nilang kasamang namatay at mga M16 rifle.

Kinilala pa lang ang dalawang nasawi sa mga alyas na `Dave’, isang squad leader, at isang `Albert’, kapwa miyembro umano ng Regional Sentro De Gravidad ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley. (Kiko Cueto/Allan Bergonia)

The post 2 galamay ng NPA bulagta sa Isabela first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments