27 kumpirmadong dedo kay ‘Maring’

Aabot sa 27 ang kumpirmadong patay, habang 14 ang nawawala at dalawa ang sugatan sa nangyaring pananalasa ng bagyong ‘Maring’, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sinabi ng NDRRMC na kinukumpirma pa nila ang naiulat na 16 pang nasawi, dalawa pang nawawala, at tatlo pang sugatan.

Kung isasama ang mga iyan ay lalabas na 43 ang bilang ng mga namatay sa bagyo.

Samantala, nasa 1,032,220 katao o 270,744 pamilya ang apektado ng bagyong ‘Maring’ sa 1,935 barangay sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Caraga, at Cordillera.

Nasa 260 katao naman o 81 pamilya ang nananatili sa 17 evacuation center, habang 19,785 katao o 4,316 pamilya ang nakisilong sa mga kaanak o kaibigan.

Pumalo naman sa 12,580 bahay ang nasira, kung saan 11,943 tahanan ang bahagya at 637 ang tuluyang nawasak sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Caraga, at Cordillera. (Kiko Cueto)

The post 27 kumpirmadong dedo kay ‘Maring’ first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments