Naglabas kahapon ng babala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kaugnay sa natagpuang labis na paralytic shellfish poison or toxic red tide sa ilang karagatan sa Visayas at Mindanao.
Sa pinakahuli nitong bulletin, sinabi ng BFAR na ang lahat ng mga uri ng shellfish at alamang na nakuha sa ilang lugar ay hindi maaaring makain.
Kabilang na rito ang baybaying dagat ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Carigara Bay at karagatan sa Leyte; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Villareal, Cambatutay, at San Pedro Bay sa Western Samar.
Kasama rin sa listahan ang Lianga Bay sa Surigao del Sur; at sa Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur.
Samantala, sinaad ng BFAR na ang mga isda, pusit, hipon at alimango ay maaari pa rin namang kainin “basta ang mga ito ay sariwa at hinugasan nang maigi, at ang mga laman-loob tulad ng hasang at bituka ay tinanggal bago lutuin.” (Kiko Cueto)
The post Red tide laganap sa Visayas, Mindanao first appeared on Abante Tonite.
0 Comments