332 pasaway na kompanya pinadlak ng BIR

Ipinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang may 332 mga kompanya sa unang siyam na buwan ng 2021 dahil sa mga paglabag sa tax code.

Ang operasyon ng BIR ay nagresulta sa pagkakolekta ng P1.867 bilyong halaga ng hindi nabayarang mga buwis.

Sa report ni Internal Revenue Deputy Commissioner Arnel Guballa sa Department of Finance (DOF), ang tagumpay ng kagawaran ay sa ilalim ng programang ‘Oplan Kandado’, kabilang ang pagpapasara sa operasyon ng dalawang establisimyento noong Setyembre, na nagresulta sa koleksiyon ng P290 milyon buwis.

Ayon kay Guballa, ang BIR ay naglunsad ng kanilang Internal Revenue Integrated System (IRIS)–Taxpayer Registration System (TRS) sa ikatlong quarter sa lahat ng revenue district offices (RDOs), maliban sa 12 tanggapan na wala pang fiber optics capabilities.

“The RDOs now have an electronic facility for capturing, monitoring and reporting taxpayer’s primary and secondary registration data—whether individual or non-individual, and whether with or without businesses.” (Dolly B. Cabreza)

The post 332 pasaway na kompanya pinadlak ng BIR first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments