Upang mabuhay ang employment-generating economic activity sa Que­zon City, dapat umanong tulungan ang mga ne­gosyo, katulad ng pag­bibigay sa mga ito ng 5% diskuwento sa buwis na sinisingil ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Anakalusu­gan Rep. Mike Defensor, mayroong 74,650 nego­syo sa lungsod na karami­han ay maliliit lamang.

Sa pagbibigay ng diskuwento sa mga ito, sinabi ng kongresista na magkakaroon sila ng dag­dag na pondo upang muling kunin ang mga inalis nilang empleyado.

“We are counting on the discount to help businesses, especially small and medium en­terprises with less than 200 workers, get back on their feet.”

Sa pamamagitan ng limang porsiyentong discount ay maibabalik umano ng lungsod ang P625 milyong halaga ng buwis sa bulsa ng mga negosyante.

Noong 2020, nakasingil ang lungsod ng P12.5 bilyong local busi­ness tax. (Billy Begas)

The post 5% business tax discount sa QC hinirit first appeared on Abante Tonite.