7 dinampot sa Bataan buy-bust

Pito katao ang nalambat ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Orion, Bataan nitong Biyernes.

Ayon sa ulat, kinilala ang mga suspek bilang sina Allan Leoveras, 44-anyos, Annalyn Sabinorio, 37; Raymundo Malinao, 38; Armando Timblique, 25; Francisco Timblique, 33; Mary Ann Mahinay, 24; at Joey Gulia, 30.

Una umanong nahuli si Leoveras at ka-live in niyang si Sabinorio nang magbenta sila ng isang sachet ng shabu sa isang poseur buyer.

Ngunit habang nagsasagawa ang pulisya ng masusing paghahalughog sa kanilang kuta ay nakuha pa umano ang anim na sachet mula sa iba pang mga suspek maging ang ilang armas na pagmamay-ari umano ni Leoveras.

Sa kabuuan, ang nakumpiska ng mga awtoridad ay siyam na sachet ng shabu, drug paraphernalia, isang improvised shotgun, isang caliber .38 revolver at ilang bala.

Nahaharap ang pitong suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act habang paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang isa pang kasong isasampa laban kay Leoveras. (Mark Joven Delantar)

The post 7 dinampot sa Bataan buy-bust first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments