Inabisuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga bangko na tanggapin ang Philippine Identification System (PhilSys) ID ng mga taong magbubukas ng account sa kanila.
Ayon kay BSP deputy governor Chuchi Fonacier, sapat na ang PhilSys ID bilang patunay ng pagkatao o proof of identity at hindi na sila dapat hinihingan ng isa pang ID.
Ngunit, dapat aniyang dinadaan sa maayos na beripikasyon ang PhiSys ID para masigurong hindi peke ito.
Dagdag ni Fonacier, nagbabala na ang Philippine Statistics Authority (PSA) na ang hindi pagtanggap ng PhilSys ID bilang proof of identity ay may mga kaukulang parusa.
Maaaring maberipika ng mga bangko ang PhilSys ID sa paghanap ng mga security feature nito, sa pamamagitan ng QR code at iba pang mga pamamaraan. (Eileen Mencias)
The post PhilSys ID `wag tatablahin sa bangko – BSP first appeared on Abante Tonite.
0 Comments