Magpapadala ang Armed Forces of the Philippine (AFP) ng mga medical personnel nito sa Department of Health (DOH) para makatulong sa mga ospital sa Metro Manila na nangangailangan ng karagdagang doktor at nurse.
Nabatid na nag-restructure ng mga personnel ang AFP Health Service Command, sa pamumuno ng Office of The Surgeon General AFP, batay sa naging pag-uusap nila ng DOH na ang karamihan sa hiling ng mga ospital ay karagdagang nurse.
Naghanda umano ang AFP ng dalawang team na bubuuin ng isang military doctor at limang nurse para i-deploy sa ilang ospital na pinili ng DOH.
Kabilang umano rito ang St. Luke’s Medical Center na may memorandum of agreement na sa DOH.(Kiko Cueto)
The post AFP doc, nurse saklolo sa mga ospital first appeared on Abante Tonite.
0 Comments