Hinirit ni Rizal Rep. Fidel Nograles sa Department of AgĀriculture (DA) na tulungan ang mga magsasaka na matinding tinamaan ng Bagyong Maring sa Hilagang Luzon.
Ayon sa kongresista, bumabangon pa lamang ang mga magsasaka mula naman sa pagbaha ng mga smuggled na gulay sa merkado at ngayon ay sinalanta naman ito ng bagyo.
āIn my opinion, it is just right for us to allocate funds to aid them in rising up from this situation.ā
Sinabi pa ni Nograles, maging ang mga consumer ay hindi rin ligtas sa epekto ng bagyo dahil sa pagsirit din ng presyo ng mga gulay na madalas sinasamantala ng ilang tiwaling negosyante.
Kailangan umanong mabantayan ng DA ang ilang āmiddleĀmenā na sinamantala ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagbili sa mababang presyo mula sa mga magsasaka habang ibebenta naman nila sa mataas na presyo dulot ng low supply. (Eralyn Prado)
The post Ayuda sa mga binagyong magsasaka hinirit first appeared on Abante Tonite.
0 Comments