Iminungkahi ng isang kongresista ang pagtatalaga ng mga babaeng pulis sa mga police checkpoint upang mapigilan umano ang ‘sexual ambush’ sa mga babaeng motorista.
Kung maaari, sinabi ni House Strategic Intelligence committee chairperson at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na ang italagang lider sa mga checkpoint ay babae.
Ang mga babaeng pulis din umano ang dapat na humarap sa mga babaeng pinapara sa mga checkpoint. Nasa 17% ng mga pulis sa bansa ay babae.
Ginawa ni Pimentel ang pahayag matapos mapaulat na ginahasa ni Staff Sgt. Robin Manganga ang isang babaeng motorcycle rider na pinara sa checkpoint sa Mabalacat, Pampanga noong Oktubre 8.
“Camp Crame has to put a stop to these horrible police abuses against helpless girls and young women.”
Noong Agosto, sinampahan ng kaso si Patrolman Elmer Tuazon Jr. dahil sa sinasabing panghahalay sa isang babaeng quarantine violator sa Mariveles, Bataan.
May akusasyon din ng panggagahasa laban kina Lt. Jimmy Fegcan, at Staff Sergeants Randy Ramos at Marawi Torda noong 2020. (Billy Begas)
The post Cong: Babaeng pulis iposte sa checkpoint para iwas rape first appeared on Abante Tonite.
0 Comments