Nang dahil sa paghahanap ng signal ng cellphone, nakuryente at namatay ang isang 19 taong gulang na estudyante sa Calbayog City, Samar, Miyerkoles ng gabi.
Kinilala ng mga awtoridad ang namatay na si John Rey Dultra, residente ng Barangay Rizal 1.
Ayon sa imbestigasyon, problemado ang binata sa paghahanap ng signal sa telepono kaya’t patuloy ang pag-iikot niya.
Hindi na napansin ni Dultra ang live wire na kanyang nadikitan kaya nakuryente siya na naging mitsa ng kanyang agarang pagkamatay.
Wala namang nakikitang anumang insidente ng foul play ang mga pulis sa insidente. (Kiko Cueto)
The post Estudyante naghahanap ng signal, dedo sa live wire first appeared on Abante Tonite.
0 Comments