Sa kulungan ang bagsak ng isang binatilyo sa Calasiao, Pangasinan matapos niyang biglaang maghubad at ibalandra ang ‘batuta’ sa harap ng isang babae.
Sa isang ulat nitong Huwebes, isang babae umano ang nagreklamo sa kapulisan kaugnay sa naturang kabastusan ng lalaki.
“May nagreklamo na babae na nang nagkasalubong sila sa Barangay Lumbang, ‘yung suspek, ibinaba ang shorts niya at ipinakita ‘yung maselang bahagi ng kanyang katawan,” wika ni Police Lieutenant James Corsino, duty officer ng Calasiao Police Station.
Batay sa report, nahulihan ng umano’y marijuana ang suspek nang arestuhin na ito ng kapulisan.
Kasalukuyang nahaharap sa reklamong grave scandal at paglabag sa Republic Act 9165 ang lalaki. (Vienne Angeles)
The post Kelot binalandra ‘batuta’, dinakma first appeared on Abante Tonite.
0 Comments