La Niña simula na

Idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang pagsi­simula ng La Niña at pagtatapos ng Habagat season.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Pagasa Deputy Administrator Esperanza Cayanan na maaaring tumagal ang La Niña sa unang bahagi ng 2022.

Mula Oktubre 2021 hanggang Marso 2022 ay makararanas ang ilang parte ng bansa ng mas maraming ulan.

Ang La Niña ay kabaliktaran ng El Niño, na abnormal na paglamig ng surface temperature ng karagatang Pasipiko.

Isa itong abnormal na kondisyon ng panahon na dulot ng global warming na nagdadala ng malalakas na ulan at bagyo. (Issa Santiago)

The post La Niña simula na first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments