Pinosasan ng mga awtoridad ang isang lalaki sa Florida sa Amerika matapos aksidenteng mabaril ng kanyang dalawang taong gulang na anak ang ina nito.
Kinilala ang lalaki na si Veondre Avery na siyang nagmamay-ari ng baril na ginamit ng bata.
Ayon sa ulat, natagpuan kasi ng anak ang naturang baril sa isang sikat na cartoon backpack na Paw Patrol kaya pinakialaman niya ito.
Nasa kalagitnaan umano ng isang Zoom meeting ang biktima na si Shamaya Lynn noong Agosto 11 nang bigla na lang may narinig ang mga ka-meeting niya na putok ng baril, saka bumaligtad na lang ang ginang.
Batay sa report, sinubukan pang i-revive ni Avery ang kanyang partner ngunit agad itong binawian ng buhay.
Dahil sa kapabayaan, nahaharap sa kasong manslaughter at failure to securely store a firearm ang ama ng bata. (Vienne Angeles)
The post 2 taong gulang aksidenteng nabaril ina, erpat arestado first appeared on Abante Tonite.
0 Comments