Hinostage ng lalaking sinasabing may kapansanan sa pag-iisip ang isang water delivery boy sa Quezon City, Huwebes ng hapon.
Ang hinostage ay nakilalang si Gabriel Espinosa, 21-anyos, water delivery boy at naninirahan sa Payatas, QC. Siya’y bahagyang nagtamo ng mababaw na sugat nang itutok sa kanyang katawan ang dalawang kutsilyo na hawak ng suspek.
Dinala naman sa himpilan ng pulisya ang hostage taker na nakilalang si Universe Santos, 46, residente ng Capitol Hills, Brgy. Matandang Balara, QC.
Batay sa inisyal na ulat ng Batasan Police Station 6 ng QCPD, alas-4:30 kahapon ng hapon nang magsimula ang hostage taking sa Alpha Village, Capitol Hills.
Ayon sa mga nagrespondeng pulis, dumaranas ng schizophrenia si Santos at sa hindi malamang dahilan ay biglang hinostage si Espinosa habang nagdedeliber ito ng mga galon ng tubig sa kanilang tahanan.
Matapos ang mahigit isang oras ay ligtas na nasagip ang water delivery boy habang dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek.
Wala namang motibo sa nangyaring pangho-hostage dahil sa sinasabing may sakit sa pag-iisip si Santos. (Dolly Cabreza)
The post May sakit sa pag-iisip hinostage delivery boy first appeared on Abante Tonite.
0 Comments