Motor binangga ng kotse, mag-utol todas

Nasawi ang isang magkapatid nang tum­bukin ng kotse ang sina­sakyan nilang motorsiklo, na nakabangga pa ng isa ring motorsiklo, sa Naic, Cavite Huwebes ng hapon.

Isinugod pa sa San Lorenzo Ruiz Hospital ang magkapatid na Jonalee Dirain at Luzviminda Di­rain, kapwa nasa wastong edad subalit idineklarang dead-on-arrival dahil sa sugat sa ulo at katawan habang ang isang hindi nakikilalang biktima na sakay ng Honda TMX ay sugatan at dinala naman sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital.

Sa ulat ni P/SSg. An­thony Macario ng Naic Police Station, alas-ku­watro kamakalawa ng hapon nang maganap ang insidente kung saan mag­kaangkas ang magkapatid sa isang kulay pula na Rusi habang binabagtas ang Governor’s Drive, Brgy. Muzon sa Naic patungo sa direksiyon ng Mara­gondon nang banggain ng isang kulay itim na Toyota Hi Lux na may plakang NBD 9560 at minamaneho ni Jose Jr. Elquiero, 55, ng Brgy. Bucal 4A, Maragon­don, Cavite.

Dahil sa pagkaka­bangga ng motorsiklo ng magkapatid, nasal­pok din nila ang nasa unahan nilang motorsiklo na minamaneho ng hindi nakilalang driver. (Gene Adsuara)

The post Motor binangga ng kotse, mag-utol todas first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments