Nag-cara y cruz sa kalsada, 14 dakma

Kulungan ang bagsak ng 14 kalalakihan matapos malambat sa pagsusugal ng bigtime cara y cruz sa kalsada kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Sa report sa tanggapan ng Eastern Police District, kinasuhan ng paglabag sa PD 1602 o illegal gambling acts sina Arcel Gida Jr, 28-anyos; John Paul Pangalinon, 26; Benedicto Iligan Jr, 44; Erwin Sta Teresa, 33; Jesus Tuadles Jr, 40; Jomar Pamitan, 35; Bernard Barneso, 43; Ninoy Briones, 30; Soler Samera, 21; Richard Linubo Jr, 44; Ferdinand De Guzman, 40; Ronie Joy Domingo, 23; Jovan Lacubtan, 42 at Rolly Songcuya, 50-anyos.

Inaresto ang grupo sa Shaw Blvd cor L. Gonzales St., Barangay Hagdang Bato Libis, Mandaluyong City bandang alas-11:45 Biyernes ng gabi habang nagsasagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga tauhan ng station Intelligence Section ng Mandaluyong Police at 3rd Mobile Force Company.

Nabatid na big time na pustahan sa cara y cruz ang ginagawa ng mga suspek dahil nakuha sa kanila ang aabot sa P3,100.00 na pusta at tatlong pisong pangara. (Vick Aquino)

The post Nag-cara y cruz sa kalsada, 14 dakma first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments