PCG: 5K dumagsa sa mga pantalan

HALOS limang libong tao ang dumaan kahapon sa pantalan para umuwi sa probinsya ngayong Undas, ayon sa Philippine Coast Guard.

Sinabi ng PCG na 4,890 outbound passengers sa ports sa buong bansa ang kanilang naitala.

Posibleng lumobo pa umano ito dahil 6 am ng October 30 pa ito naitala.

Samantala, kabuuang 3,117 ang inbound passengers o dumating sa Maynila.

Nag-inspeksyon naman ang PCG frontline personnel ng 158 vessels at 20 motor bancas sa 15 PCG districts.

Sinabi pa ng PCG na ang mga distrito, mga istasyon at mga sub-stations ay inilagay sa heightened alert mula October 29 hanggang November 4 dahil sa inaasahang malaking bulto ng mga uuwi sa probinsya.

Inaasahan rin ang pagdagsa ng mga turista sa iba’t ibang lugar ng bansa dahil special non-working day ang November 1. (Kiko Cueto)

The post PCG: 5K dumagsa sa mga pantalan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments