Tumukod si Angelo Que sa two-over par 73 para tumapos na joint 56th katabla ang apat na iba pa at magkasya sa ¥882 (P390K) prize sa wakas ng 48th Japan Golf Tour 2020-21 24th leg ¥210M (P94M) 86th Japan Open Championship sa Biwako Country Club sa Ritto City, Chiba Prefecture Linggo ng hapon.
May mga earlier round na 70-72-72, naka-four-day total ang Philippine lone bet sa three-under par 287, 22-shot ang layo sa nagkampeong si Shaun Norris ng South Africa na may closing 70 at 265 aggregate. Apat na palo ang panalo kay home bet Yuka Ikeda (67-269).
Iniuwi ni African golfer ang ¥42M (P18.5M) top purse samantalang nakuntento ang Japanese sa ¥23.1M (P10.2M). Tumersero si Nippon shotmaker Tadahiro Takayama sa 68-273 na mayroong ¥11.830M o P5.2M.
Pahinga sa pangalawang sunod na torneo si Fil-Am Justin Delos Santos. (Ramil Cruz)
The post Que P390K premyo first appeared on Abante Tonite.
0 Comments