11.5M-ton palay aanihin sa 2nd quarter

Aabot sa 11.5 milyong toneladang palay ang inaasahan ng Department of Agriculture (DA) na maaani ng mga magsasaka ngayong second half ng taon.

Ayon kay DA Director Dionisio Alvindia, 20.3 milyong toneladang palay ang target ng DA na maani ngayong taon at naka-8.8 milyong tonelada na ang naani noong first half.

Aniya, kulang pa rin ito para makamit ang self-sufficiency dahil 22 milyong tonelada ang kailangan ng bansa para makamit ito. Sa 2022, 20.6 milyong toneladang palay ang target ng DA na produksyon.

Sabi pa ni Alvindia, kasama sa programa sa pagpapadami ng ani ang pamimigay ng mga abono at binhi, at pagpapababa ng production cost ng mga magsasaka mula P12 patungong P9 kada kilo. (Eileen Mencias)

The post 11.5M-ton palay aanihin sa 2nd quarter first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments