CHR sisilipin pagkamatay ng Davao journalist

Nagpadala ang Commission on Human Rights (CHR) ng quick response team nitong weekend para imbestigahan ang pagpatay sa isang mamamahayag sa loob ng tahanan nito sa Davao del Sur.

Sinabi ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, ang pagpatay kay Orlando ‘Dondon’ Dinoy, isang reporter ng Newsline.ph at blocktime anchor ng Energy FM sa Digos City, ay pinagplanuhan at pinaghandaan batay sa circumstantial evidence.

Si Dinoy ay pinatay sa kanyang inuupahang apartment sa Bansalan noong Oktubre 30.

“Sa kasalukuyan, walang natukoy na motibo sa kanyang pagpatay ngunit dahil sa uri ng krimen at propesyon ng biktima, titingnang mabuti ng CHR ang kanyang linya ng trabaho at ang kanyang mga dating contact.”

Ang mga pag-atake laban sa media ay nagbubunga aniya ng klima ng impunity o kultura ng kawalang-pakundangan. (Riz Dominguez)

The post CHR sisilipin pagkamatay ng Davao journalist first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments