
Pumapalag ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa tatlong Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na nangdededma sa batas sa isyu ng money laundering at tinutukoy nilang ‘uncooperative covered persons.’
Sa advisory sa mga supervising authority, tulad ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Insurance Commission, Securities and Exchange Commission, at iba pa, pinaalalahanan sila ng AMLC na tumatangging sumunod ang kanilang mga pinapastulan sa AMLC at tumatanggi rin ang mga itong makipagtulungan sa AMLC.
Kinilala ng AMLC ang mga uncooperative na POGO bilang: MG Universal Link Ltd., Inner Strong Ltd., at Smarc Group International Ltd.
Ang tatlo ay kasama sa 41 mga POGO na inaprubahang magnegosyo sa bansa ng Philippine Amusement and Gaming Corporation, na nagsisilbing bisor ng mga POGO. (Eileen Mencias)
The post 3 POGO pasaway sa AMLC first appeared on Abante Tonite.
0 Comments