Dalawa ang patay sa magkasunod na aksidente sa Quirino Highway sa Tagkawayan, Quezon noong Biyernes.
Sa unang aksidente bandang ala-1:20 ng hapon, nasawi ang 63-anyos na motorcycle rider na si Felipe Zara, residente ng nasabing bayan, matapos na makasalubong ang trailer truck na minamaneho ni Freddie Fuentes, taga-Dasmariñas City, Cavite.
Tinatahak ng dalawang sasakyan ang pababang bahagi ng highway sakop ng Barangay Bagong Silang nang biglang makawala ang reserbang goma ng trailer truck. Gumulong ito at sumalpok sa motorsiklo dahilan para tumilapon ang rider na agad nasawi.
Naaresto ng mga pulis ang truck driver.
Samantala, nasawi naman ang pedestrian na si Cenon Panaligan, 52-anyos, matapos na ito ay mabangga ng isang Toyota HiAce van habang tumatawid din sa Quirino Highway sa Barangay Poblacion pasado alas-11:00 ng gabi.
Isinugod pa ang biktima sa ospital subalit idineklara itong dead on arrival ng doktor.
Naaresto naman ang tsuper ng van na si Nicolas Oredo Jr., residente ng Cabuyao, Laguna na nahaharap ngayon sa kasong kasong reckless imprudence resulting to homicide. (Ronilo Dagos)
The post Aksidente sa Quirino Highway, 2 todas first appeared on Abante Tonite.
0 Comments