Aso binalikan, lola nalitson sa nasunog na bahay

Buhay pa sana ang isang lola kung hindi niya binalikan upang sagipin ang alagang aso sa nasusunog nilang tahanan sa Quezon City nitong Lunes ng madaling-araw.

Ang biktima ay nakilalang si Wilhelmina Martin, 68-anyos, may asawa, at residente ng Tamarind St., Greenfields 1 Subd., Kaligayahan, QC.

Sa report ni P/SSg. Manel Calampiano ng Pasong Putik Police Station 16 ng Quezon City Police District, bandang alas-3:55 kahapon ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa tahanan ng lola sa nasabing barangay.

Ayon sa pahayag ng kasambahay ng biktima na si Merlinda Bedaje, 59, nakalabas na sila sa nasusunog na bahay, subalit bumalik umano ang amo niyang sa Martin upang sagipin ang alagang aso.

Pero dahil sa bilis ng paglaki ng apoy ay hindi na umano nagawa pang makalabas ng biktima sa nasusunog na bahay.

Sinabi nina Fire investigator SF03 Carlito Canapi at SFO1 Derick Caranto, naapula bandang alas-4:51 ng madaling-araw ang apoy. (Dolly Cabreza)

The post Aso binalikan, lola nalitson sa nasunog na bahay first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments