Ni Nancy Carvajal
Nagsampa ng mga kasong kriminal ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa isang empleyado ng Bureau of Customs (BOC) dahil sa umano’y paggamit ng mga pekeng dokumento at school records para makapasok sa ahensiya.
Nabatid na may anim na taon na umanong nagtatrabaho sa BOC ang suspek bago nadiskubre ang panloloko nito.
Sinabi ni NBI Special Action deputy head Mark Santiago na nagsinungaling si Carlos Joey See Reyes ng Davao City sa mga application document nito, at nagsumite ng mga huwad na dokumento nang ito’y mag-apply para sa regular na posisyon sa bureau noong taong 2015.
Si Reyes ay isang Customs officer 1 na nakatalaga sa Port of Davao mula nang kanyang employment noong 2015, nang madiskubre ng BOC Human Resource Department ang kanyang maling ginawa dahil nagsagawa ang department ng update ng employees service records at personal data sheet.
“Reyes knowingly submitted fake school records, diploma and transcript of records claiming he graduated with a degree of Business Administration in University of Mindanao,” saad sa NBI report.
Naglabas na rin ang University of Mindanao ng certification na nagsasabing si Reyes ay walang record of enrollment at “promotional reports na inihain ng registrar’s office.”
“It is established that Reyes with intent to perjure and falsify official documents, did then and there willfully, unlawfully, and feloniously committed perjury and falsity official documents.”
Sinampahan si Reyes ng mga kasong perjury at falsification of private and public documents sa Department of Justice.
Sa ilalim ng batas, posibleng makulong at pagmultahin nang hanggang P5,000 ang isang taong alam niyang gumagawa siya ng mga hindi makatotohanang pahayag.
Buhay pa sana ang isang lola kung hindi niya binalikan upang sagipin ang alagang aso sa nasusunog nilang tahanan sa Quezon City nitong Lunes ng madaling-araw.
Ang biktima ay nakilalang si Wilhelmina Martin, 68-anyos, may asawa, at residente ng Tamarind St., Greenfields 1 Subd., Kaligayahan, QC.
Sa report ni P/SSg. Manel Calampiano ng Pasong Putik Police Station 16 ng Quezon City Police District, bandang alas-3:55 kahapon ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa tahanan ng lola sa nasabing barangay.
Ayon sa pahayag ng kasambahay ng biktima na si Merlinda Bedaje, 59, nakalabas na sila sa nasusunog na bahay, subalit bumalik umano ang amo niyang sa Martin upang sagipin ang alagang aso.
Pero dahil sa bilis ng paglaki ng apoy ay hindi na umano nagawa pang makalabas ng biktima sa nasusunog na bahay.
Sinabi nina Fire investigator SF03 Carlito Canapi at SFO1 Derick Caranto, naapula bandang alas-4:51 ng madaling-araw ang apoy.
The post NBI kinasuhan BOC exec sa dinoktor na University diploma first appeared on Abante Tonite.
0 Comments