Buhay ‘sinangla’ ng tinedyer sa kababata

Dedbol ang dalawang binatilyo nang malunod sa Zamboanga del Sur nitong Martes.

Sa report, nagsi-swimming ang mga biktima, kasama ang isa pang kaibigan, sa isang talon sa Brgy. Upper Pulacan, Labangan.

Sinasabing nagpa-praktis ang isa sa kanila na 12-taong gulang sa malalim na bahagi ng talon. Hindi kasi siya marunong lumangoy.

At noong magkaproblema siya ay sumaklolo na ang 16-taong gulang na kaibigan pero kapwa sila nalunod.

Nabatid na gumamit ng lubid ang mga residente para makuha ang mga nalunod na menor de edad. (Kiko Cueto)

The post Buhay ‘sinangla’ ng tinedyer sa kababata first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments