
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Coast Guard (PCG) na bumili ng karagdagang eroplano na magagamit sa mga pagkakataong mayroong public health emergency.
Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang pagpunta sa Palawan kahapon para sa inagurasyon ng Philippine Ports Authority (PPA) Seaport Expansion Project at ng PCG Kalayaan Station sa Puerto Princesa City.
Ayon kay Pangulong Duterte, may isa nang eroplano ang PCG subalit kailangan nito ng tatlo pang sasakyang panghimpapawid para mapalakas ang maritime safety capability.
“`Yong Coast Guard, isa lang ang eroplano. Every time mag-take off kayo pagtatawanan kayo ng Air Force, ‘Huwag n’yo ihulog `yan, isa lang `yan’,” pagbibiro ng Pangulo.
“You need about four, actually. Dito meron naman. Then, you have to have in the Visayas for any purpose at all, be it evacuation, rescue, anything,” aniya pa.(Prince Golez)
The post Duterte pinabili PH Coast Guard ng 3 eroplano first appeared on Abante Tonite.
0 Comments