Mommy ni Bree abangers sa kaso vs Julian Ongpin: NBI marami pa nakalkal sa Jonson case

Ni Nancy Carvajal

Hinihintay ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mannequin na in-order nila mula China at may parehong timbang at tangkad ni Bree Jonson para makatulong sa im­bestigasyon ukol sa pag­kamatay ng artist.

Sinabi sa Tonite ni Atty. Em Salandanan, counsel ng pamilya Jon­son, na may totoong tao na kapareho ng tangkad at timbang ng nasawing nobya ni Julian Ongpin ang ginamit sa reenact­ment ng insidente noong nakaraang buwan bilang bahagi ng imbestigasyon ng NBI.

“The investigators de­cided to get a mannequin to reinforce and validate their findings,” ani Sa­landanan.

Sinabi rin ng abogado na sa kasagsagan ng re­enactment ay may mga naging rebelasyon sa kung ano ang mga nang­yari noong Setyembre 18, o kung kailan natag­puan ang walang buhay na katawan ng visual artist.

“We will wait for the result of the NBI investi­gation. However, things that really took place are now clearer,’’ dagdag niya.

Ayon pa kay Sa­landanan, consistent si Ongpin sa mga pahayag nito sa pulisya at sa NBI na isang strap ng bras­serie ang sinasabing ginamit ni Jonson sa umano’y pagbibigti nito.

Iniimbestigahan na ng NBI ang pagpanaw ni Jonson, na giniit ni Ong­pin bilang suicide. Una nang napaulat na ang sanhi ng pagkamatay ng artist ay asphyxia o kawalan ng oxygen.

Sinabi rin ng abogado na hindi pa bumabalik sa Canada ang nanay ni Jonson dahil hinihintay pa nito ang resulta ng NBI probe.

“She is staying in the country to be present in the event a case will be filed against Ongpin for the death of her daugh­ter.”

Sabi ni Ongpin, anak ni dating trade minister at bilyonaryo Roberto Ongpin, natagpuan niya si Jonson na nakabigti sa banyo ng tinuluyan nilang hostel room sa La Union noong Setyembre.

Natagpuan ang mga iligal na droga sa na­sabing silid, at nagsampa na ng hiwalay na kauku­lang kaso ang Depart­ment of Justice laban kay Ongpin.

Batay sa police re­port, parehong nag­positibo sina Ongpin at Jonson sa paggamit ng cocaine.

The post Mommy ni Bree abangers sa kaso vs Julian Ongpin: NBI marami pa nakalkal sa Jonson case first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments