
Asahang madaling madidispatsa ni Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago at ng Saitama Ageo Medics ang Toyota Auto Body Queenseis sa 28th Division 1 Women’s V.League 2021-22 regular round ngayong Sabado ng alas-12:00 nang tanghali.
Kasalukuyang may 5-5 win-loss card ang Ageo kasalo sa fifth spot ang PFU Blue Cats sa 12-team indoor volleyfest habang lugmok sa 0-10 slate ang Queenseis kagaya ng Kurobe Aqua Fairies patungo sa hampasan sa Kawagoe Sports Park General Gymnasium sa Kawagoe City, Saitama Prefecure, Japan.
Ibubunton pa ng Pinay import at kampo ang ngitngit sa kalaban makaraang maresbakan ng Denso Airybees sa nakarang linggo sa kabila na lumagare ng 23 points si Santiago.
May rematch din agad bukas sa parehas na oras at lugar ang dalawang team. (Janiel Abby Toralba)
The post Jaja, Ageo patok vs Queenseis first appeared on Abante Tonite.
0 Comments