Kelot kinalawit sa P1.7M shabu

Umaabot sa P1.7 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng awtoridad mula umano sa isang big time drug peddler buhat sa ParaƱaque sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Gaya-Gaya, San Jose del Monte City nitong Lunes ng hapon.

Ayon sa Bulacan PNP, nakilala ang naarestong suspek na si Anthony Montefalcon, residente ng San Isidro, Sucat, ParaƱaque na nakakulong ngayon matapos makumpiskahan ng shabu nang kumagat sa ikinasang anti-illegal drug operation ng pulisya.

Nabatid na alas-5:40 kamakalawa ng hapon nang magkasa ng buy-bust ang Bulacan Provincial Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit at San Jose del Monte City Police sa Daang Barrio, Brgy. Gaya-Gaya ng nasabing siyudad at kanilang target si Montefalcon na iningungusong source ng droga sa lugar.

Hindi na nakapalag ang suspek nang makipagtransaksiyon sa undercover policeman at makuha sa kanyang posesyon ang shabu na humigit-kumulang sa 250 gramo.

Nakadetine na siya ngayon at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165. (Jun Borlongan)

The post Kelot kinalawit sa P1.7M shabu first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments