Lacson-Sotto: Protesta wa epek sa China

Itinuturing na masamang pangitain ng tambalang Senador Panfilo `Ping’ Lacson at Senate President Vicente `Tito’ Sotto III ang presensiya ng mga Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea (WPS).

Kasunod ito ng panibagong insidente kung saan dalawang supply boat ng pamahalaan na maghahatid ng rasyon sa mga tropang Pinoy sa Ayungin Shoal ang hinarang at binomba ng tubig ng tatlong Chinese Coast Guard ship.

Sa isang virtual press conference, kinondena nina Lacson at Sotto ang insidente.

Nabatid na nagpadala na ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa China subalit para kina Lacson at Sotto ay hindi na ito sapat.

“We are not satisfied with just filing diplomatic protests. Kaya ang aming magiging polisiya dito makipag-alliance tayo doon sa malalakas na bansa, `yong militarily strong countries. Meron naman tayong existing bilateral agreements with them,” sabi ni Lacson, na chairperson ng Senate committee on national defense

“Hindi natin kakayanin ang Tsina considering its military capability, so nag-usap naman kami ni SP (Senate President Sotto) at sabi namin ipasa natin ito sa balance of power (among nations), hindi puwedeng parang pushover na lang tayo palagi,” dagdag pa ng dating chief ng Philippine National Police.

Para naman kay Sotto, “Kapag ang mga tao natin ang itinataboy, masamang pangitain ito, may nasaktan man o wala.”

Sabi pa ni Sotto, ngayon na ang panahon para muling suriin ang Mutual Defense Treaty ng Pilipinas at Estados Unidos at ng iba pang malalakas na bansa, para pigilan ang mga pag-angkin ng China sa WPS. (Dindo Matining)

The post Lacson-Sotto: Protesta wa epek sa China first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments