Lolo umaming hinalay ang apo

Matapos makonsensya, sumuko ang isang lolo na may kasong panggagahasa sa kanyang apo sa San Manuel, Isabela kamakalawa.

Tinukoy ni San Manuel Police Station (SMPS) chief-of-police P/Maj. Jose Torrijos ang suspek na isang 77-anyos na residente ng Barangay Sandiat West ng nasabing bayan.

Matapos malaman ng suspek na naglabas ng arrest warrant ang korte laban sa kanya ay agad siyang sumuko sa pulisya, ayon kay Torrijos.

Napag-alaman na ang lolo ay nasa top 4 most wanted person sa provincial level na may kaugnayan sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Ope­ration.

Batay sa report, ang matanda ay inisyuhan ng warrant of arrest sa kasong rape sa kanyang sariling apo na walang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Ang suspek ay nakapiit ngayon sa SMPS jail. (Allan Bergonia)

The post Lolo umaming hinalay ang apo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments